Lunes, Marso 25, 2019

Famewhores



Kinain na ata tayo ng sistema, dati problema natin sa mga
kaibigan lang natin sinasabi or kinikimkim na nga lang natin
pero ngayon not only you post it on your status, 
ngayon people even do LIVE to share our problems,
i find it quite pathetic, nakakatawa na nakakairita
seriously? ganun ka laki tingin mo sa sarili nyo 
to share your problems, to everybody like people
will care, although some do pero ang facebook
ay punong puno ng mga pakialamero, mapanghusgang mga tao
at mga bully, mga naka relate lang ng konti nag mamaru na.




Mga taong galit na galit sa mga pang re rape or pang momolestya
pero pag me scandal na kumalat sila ung mga unang nanghihingi.



Kinain na ng sistema mga tao sa social media, inagawan na tayo ng privacy
me mga taong kung makapag share ng problema wagas hindi nila iniisip baka
ung kausap nila me mas malaking problema pa kesa sa kababawan nila. 

Me mga taong paulit ulit ang problema mga hindi natututo.
Me mga taong puro lovelife ang bukang bibig akala mo naman
napaka husay magmahal pero konting problema lang 
ipaparinig pa sa social media ang problema
imbes pag usapan ng personal. 



Me mga taong paawa effect, mga nagseself pity
sa social media humihingi ng validation,
seriously? araw araw mong nakikita sarili mo, alam mo
ng buong buo pagkatao mo, and you care sa opinion ng ibang tao
who knows 10 or 20% of you?


Me mga nag dadrama para makakuha ng karamay
ginawa narin nilang cool ang depression na kesyo hindi daw
ito naiintindihan ng iba. Seriously? you promote this depression thingy?

Meron mga sawsaw sa usong mga tao, kung ano sikat dun sila
kahit mukha na silang mga tanga. 

Nakakatawang, nakakadismaya ang social media
nakakamiss yung dati, yung mag iisip ka lang kung anong nangyari
sa kaibigan mo pero di mo alam kung ano talaga.
Yung hindi mo alam ang iniisip ng lahat ng kakilala mo.

Hindi ako fan nang pag bash ng mga bagay na ayaw ko pero
nakakamiss ang privacy. That's why Incognito clan is born,
Minsan pag may problema ka try mo ring mag Log out.










Walang komento:

Mag-post ng isang Komento