matagal nakong mahilig mag pipipicture pero ever since i buy Red i learn alot, i take it seriously, nakaranas nako ng pre-nup, debut, birthdays, events coverage and weddings, at iba pa yung mga regular funshoots and street shoots, di pako nag ka award pero ang ma feature sa isang blog as a creative photographer ay isang malaking karangalan, anyways i list down the 50 things i learn and realized about Photography.
1. Hindi lahat nang ka DSLR ay photographer.
2. Ang DSLR ay kadalasang kwintas ng mayabang, gamit ng mayaman.
3. Hindi natatapos ang pagiging photographer sa pag pitik lang, umpisa o kalagitnaan palang ito ng proseso.
4. Maraming gustong mag photographer dahil gustong mapalapit sa chics.
5. Sa di malamang kadahilanan, nakakagwapo ang pagiging photographer.
6. Kailangan mong matutong makisalamuha sa mga kapwa mo photographer.
7. Pero wag kang dumepende lang sa knila dahil kailangan mo ring matuto mag isa.
8. Hindi DSLR ang magtuturo sayo para maging mahusay kang photographer, kungdi ang sarili mong interest.
9. Magastos na Hobby an Photography.
10. Ang photographer ay dapat ding matuto ng kahit basic modeling, or alamin ang ma do's and don't ng modeling.
11. Bawal hawakan ng Photographer ang Model.
12. May mga nag phophotography para lang makapag manyakt maka style.
13. bakit kailngan bayarang ang photographer? Mahal ang camera, mahal ang bawat gadgets and add ons nito, madugo ang pag process ng pictures.
14. Hindi pinapakita ng photographer ang mga pangit nyang kuha, dahil inaalagaan nila ang kanilang credibility bilang isang mahusay na larangang napili.
15. Tuturuan ka ng photography na tignan ang mundo sa ibang paraan at angulo.
16. Hindi lang magandang babae ang pwedeng picturan.
17. Minsan ang pangit ay maganda.
18. Marami kang makukuhang larawan kung mag mamasid ka lang ng maige.
19. Ang magandang picture ay kayang mag kwento ng istorya o pangyayari.
20. Ang ambin at flowers ay matinding combinasyon.
21. Ang susunod mong magandang shots ay yung mga magiging shots mo palang bukas.
22. Maraming field ang photography na pwede mong pag focusan.
23. Ang photographer ay dapat marunong mag obserba at maparaan.
24. Magahanap ka ng iidolohing photographer at pag aralan m ang mga kuha nya,
25. Gayahin mo at pag butihin pa.
26. Hindi lang DSLR ang pwedeng mag produce ng magandang kuha.
27. Pag aralanng basic ng photography.
28. Wag dumepende sa add ons ng camera.
29. Pag aralano ang bawat kuha mo at dapat alam mo kung ano ang gusto mong palabasin.
30. Magbasa at manood ng video para matuto.
31. Mag practice.
32. Xdeal ay palitan ng pabor ng isang model, at photographer minsan pati make up artist, kunsaan magkakasundo sila na walang silang babayaran sa isa't isa.
33. Pag nag shoot ka ng isang model, ipaalam mo kung kelan nya makukuha ang picture nya.
34. Ang tunay na photographer ay marunong mag hintay, at may pasensya.
35. "Wala jan sa Pana, nasa Indian yan"
36. Kadalasan pag photographer na ang kukuhaan lagi itong blurred.
37. Bokeh ang pinaka madalas maka attract ng tao para mahilig sya sa photography.
38. Pag aralan ng mga angles, mas kakaiba mas maganda.
39. Foreground, Subject, Background combo .
40. Alamin mo kung kelan ka dapat pumitik, at wag mo sasayangin ang pagkakataon.
41. Nauubos ang shutter ng DSLR.
42. Karamihan ng tao gusto mag pa picture.
43. Gamitin mo ang phtography para makapag pasaya ng tao at maka inspire.
44. Stolen Moments are the best.
45. Kabisaduhin mo ang iyong camera, kahit ano pa yan.
46. Contrast ng subject at background ay mahalaga.
47. Hindi lang landscape at portrait ang pwedeng shots, tilt your cam.
48. Photography is painting with light.
49. Wag kang mag shoot kung gusto ko lang mag pa impress.
50. Lastly ako ay isang artist who used photography as another medium to show my art.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento