Biyernes, Setyembre 6, 2013

Gusto kong maging blogger :D



gusto kong sumalat, pero alam ko namang walang nagbabasa, at ang gara naman kung i memessage mo ang mga kaibigan mo at sasabihan mo silang "tignan mo naman yung sinulat ko", o kaya "uy may sinulat ako basahin mo ah", so pano ka susulat kung wala ka naman isusulat? Bakit ka magsusulat kung alam mo namang walang babasa, ni mga kaibigan o kapamilya mo hindi mo mapipilit basahin yang sinusulat mo? Pero... Bakit naman kasi ako magsusulat para sa ibang tao? Bakit nga ba kailangang isipin mo yung mga makakabasa? Magsusulat ka nga ba talaga dahil gusto mo? O dahil gusto mong magustohan nila? So para sa iyo ba ang sinusulat mo o para sa iba? Kung para sa iba di ba parang nawawalan ka ng freedom?

which reminds me of Local Hiphop(hiphop nanaman maisingit lang) pero magandang reference kasi, One na naging mainstream na ang isang artist nagbabago na ang kanyang lyrical style, di na sya pwedeng mag mura, di na pwedeng magpaka hardcore, nag iiba na mga sinusulat nya dahil kailangan may maka relate na sa kanya, although some artist like Gloc-9 are good at this i still think yung ibang pinasikat nyang kanta ay hindi nya gusto tlaga. (opinion lang)

which remind me of one other thing doing artworks/drawings (related nanaman sakin sorry naman)
pero way back when i make a deviantart account (social media site for artist) dati nag popost lang ako ng kahit anong gawa ko, eventually magkakaroon ka ng mga followers o what they call it "Watchers" habang gumagaling ka iniisip mo narin yung mga gagawin mo. minsan parang iisipin mong kailangan maganda yung gawa kasi may mga nag aantabay na sa mga susunod mong gawa.

so ano nga ba talaga? sumusulat, gumagawa ng kanta, nag dodrawing kaba para sa sarili mo o para sa iba?
susulat kaba dahil type mo lang? Pwede kong tawagin ang sarili ko bilang blogger, anyone can blog, anyone can write, anyone can read your entries, pero di ibig sabihin nun ay isa akong professional blogger. Pero yun nga, gusto ko ba mag blog o maging blogger? Gusto ko ba matawag na blogger? O gusto ko lang mag share ng mga iniisip ko.

Malamang sa walang kwenta ito sa iba, malamang sa hindi rin pag tyagaan basahin ng kahit na sino man, pero one day if i die, dito sa mga blog post nato masasalamin ang mga kakaibang tumatakbo sa isip ko, blog na hindi pa mapapansin sa ngayon pero one day people will appreciate it and will see some little weird things in me.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento