i already have a tab for my songs pero hindi lahat na kanta ko ay andun na, naka layout na kasi ung mga un anywyas. ito ay ni retrieve ko lang sa aking Deviant art account. people laugh at me when i say i do write songs, i don't know... they
find it funny or kinda corny and when i get some people wanted to hear
them and i sing it they don't believe it. mukha ba talaga akong walang
talent hahahhahah anyways
i miss the old days(the glory days of teardrop) when i have a energy
like a kid. inspire ako sa mga bagay and wala akong kapaguran and i can
compose songs in 5 mins. pero iba na ngayon even in drawings, i get
stress out with lots of things i don't know what happen to me i feel
empty, i feel like im missing something, something i don't know. i
will edit this journal and put my songs in here, it maybe corny but
it's me, teardrop as an artist(wag daw mahihiyang ipakita ang talent so
bahala na) i can't compose songs anymore but the songs i will about to
put here are those songs i made before. PEACE OUT. Sa tuwing ako'y natutulog/Teardrop eto na nanaman ang gabi di mapakali, ilang oras nalang kasi mamaya lang makakasama kana pag naipikit ko na aking mga mata kung bakit ganon di ko maintindihan hinihigpitan nalang ang yakap sa unan para masaya ang buong gabi sa panaginip ko kasi ikaw ang katabi CHORUS: sa tuwing ako'y natutulog doon kita nakikita ayoko ng magising sinta, ayoko ng gumising pa sa tuwing ako'y natutulog doon kita nakikita ayoko ng magising sinta ayoko ng gumising pa bakit ganito? ang nadarama bat sa panaginip lang kita nakakasama nahihirapan ako hinihintay ang bawat oras hinihintay na lumipas ng sa ganon ay makapiling ka mali dahil sa isip ko lagi kang nananatili repeat chorus: sa panaginip, sa panaginip lang kita nakakasama sa panaginip, sa panaginip lang kita nakikita sa panaginip lang, sa panaginip lang bakit nga ba... end ********************************************************************** SABIHIN MO/ Teardrop Oh ang akala ko Ikaw ay akin na At hindi na magbabago pa Hindi ko naisip na matatalo Tayo ng maliit na problema REFRAIN: Wag mong hayaan (wag hayaan) Na malayo (Na malayo) Ka sakin sinta Hindi ko kaya (hindi ko kaya) Kung ika’y mawawala CHORUS: Sabihin mo ang problema Nating dalawa Hayaan mong ayusin ko Ang bagay na ito Hindi ko kakayanin kung ako ay mag isa Kung ikay mawawala ang tanong ay pano na Wag mo sanang kalimutan ang ating pinagsamahan Pls wag mong pabayaan ang aking Pinaka iingatan Hindi ko kaya Ang mawala ka Sa piling ko sinta Hindi ko kaya (hindi ko kaya) Kung ikay mawawala REPEAT CHORUS: Ikaw lamang Laman ng isipin Sa gabi’t umaga man Ikaw lamang ang halaga Ng buhay ko sinta REPEAT REFRAIN: REPEAT CHORUS: Turuan mo ang puso na ako ay patawarin Lahat ay sisikapin at lahat ay gagawin Sana’y bigyan mo ako ng kahit isang sandali Sa susunod ay iiwasan ko ng magkamali Hindi ko kayang.... Repeat refrain & chorus to fade
********************************************************************** Ikaw/Teardrop Di ko alam na aabot din pla sa ganito Pinipilit ko pang isa ka sa mga kaibigan ko Pero pano? Naloko na! Sana... CHORUS: Sana, di ka magbabago kahit na malaman mong ikaw ang aking gusto At sana kung gano ka kabait at kung gano ka lapit ganon parin sa akin At pasensya na, di ko naman ito plinano Di ko lang mapigil ang aking sarili na Magkagusto sa iyo IKAW, di mo alam Sa konting ngiti mo lang sadya bang ganyan nakukuha mo ang buong loob ko pagmalungkot ako ikay nandyan di ko malaman kung paano mo nasasakyan pagiging sumpungin ko oh sana... oh sana pakinggan mo naman ako hindi ko hiling na maging tayo gusto ko lang na malaman mo at maunawaan mo na ikaw, oh ikaw ang aking gusto.... Repeat chorus 2x to fade.
********************************************************************** Sayo lang ako/Teardrop Ewan ko ba kung bakit ba? Bakit nagkakaganyan pa... Ewan ko ba kung ano ang Nangyayari sa relasyon nating dalawa Di ko malaman ang sagot Sa mga katanungan ko... Pero nais kong malaman mo CHORUS: isipin mong Sayo lang ako(sayo lang ako) Wag ka sanang magbago isipin mong Sayo lang ako(sayo lang ako) Wag mo sanang kalimutan to Ewan ko ba kung bakit ba? Bakit nagkakaganyan pa... Sa tagal na pinagsamahan nating dalawa Di ko maisip na may magbabago pa Alam kong nagkamali ako.. Mapatawad sana ako… At nais ko malaman mo... At isaisip mo to oh… Repeat Chorus: Di naman pla kailangan pa Na sakin ay lumayo ka Wag mong isipin na nagbago ako Dahil ikaw parin sa puso ko…
[Trivia: i created this song as an entry for ”Himig handog love song” contest but unable to finish it]
********************************************************************** Ikaw parin naman/Teardrop Akala ko ako’y masaya Wala kasi akong inaalala pa Iniintindi ko lang ang sarili ko At di nag iisip ng kung ano ano Pero nagkamali ako ng akala Di ganun kadali Kung ikay mawawala... CHORUS: Ikaw parin naman ang alaala ko Ikaw parin ang tibok nitong puso ko Ikaw parin naman ang hinahanap ko Di ko mabura ang alaala mo Akala ko noon ay okey lang ako Sabi sa sarili kaya ko ito Sabi ko noon hindi na iiyak Pero pano ko pipigilan Ang nadaramang kalungkutan Pano iiwasan Ang nadaramang kasawian At nagkamali ako ng akala... Di ganon kadali kung ikay mawawala Repeat chorus: Kala ko kaya ko Mabuhay na malayo sayo Kala ko kaya ko na mag isa Wala sa piling mo Repeat chorus to fade:
********************************************************************** Pano na tayo/Teardrop
Sasaktan ba natin ang isa’t isa At kakalimutan nalang itong nadarama Sasaktan ba natin ang iba na naging malapit na sa atin Para sa kaligayahan Ano ba ang dapat sundin Hangang ngayon ako’y nalilito Di ko alam ang gagawin ko Chorus: Ummm. Hindi ko alam kung pano na tayo Ummm... hindi ko alam kung ano gagawin ko Ummm. Hindi ko alam kung pano na tayo Ummm.. hindi ko alam kung pano na At pano ba ... tayo.... Bakit ba kailangan magkaganto... Nahihirapan tuloy ikaw at ako... Naipit at napaglaruan tayo ng pagkakataon Ngunit di ko mabitawan Kung ano man ang meron ngayon... Hanggang ngayon ako’y nalilito Di ko alam ang gagawin ko... Repeat chorus: [NOTE: this song is still not done]
********************************************************************** Sa huling pagkakataon/Teardrop Alam kong ayaw mo na… Ayaw mo ng maalala sinta (ang lahat) Alam kong para sayo... dapat ng limutan na... pero sana, wag mong... isara ang puso mo at isipan at hayaan mo akong… kumatok muli sayong pintuan CHORUS: Sa huling pagkakataon hayaan mo akong Ibigan kang muli Sa huling pagkakataon Hayaan mo akong Mahalin kang mali...
[NOTE: This song is still not done]
********************************************************************** Nasan na ang pangako/Teardrop Naaalala mo pa ba sinta… Sabi mo tayo lang dalawa At di ko malimot Ang ating alaala Naalala mo pa ba sinta.. Sabi mo lagi tayong masaya At di ko malimot Ang yong saya Refrain: Ngunit panong nangyari ito’y isa nalang alaala At papanong nangyari ito’y Isa nalang alaala CHORUS: Nasan ang pangako Mo sa... akin non.. 2x [NOTE: This song is done but i already forgot the other verses]
*** i will make this, compile it sing it record it in one mixtape album oneday... no need to comment on this journal guys.
since im a graphic artist, most of my friends ask me for layouts etc etc. im not saying i am so good with this but i can surely be a helping hand. these are just for keeps.
design i made before in a certain site. it's a t-shirt design contest type of thing. well im not so good in competitions so i didn't won
but i just feel like sharin this.