Biyernes, Mayo 5, 2017

The Rings









Millennials


Millennials bagong henerasyon

Hindi ko alam kung sadyang di lang ako makasakay sa pagbabago ng panahon at hindi ko sila maintindihan o sadyang kakaiba lang talaga sila kaya hindi ako makasakay, sila ung mga tipong parang kinain ng sistema, nakakadena sa gadgets, naka earphones hindi mkausap ng maayos, hindi nakikinig at may mga sariling pinagkaka abalahan.
  • Sila ung mas wapak pa sayo pero di hamak na mas maangas sayo,
  • Sila ung ayaw makinig sayo at me mga sariling gusto,
  • Sila ung binigyan mo na ng pabor hindi magawang pahalagahan yon,
  • Sila ung gusto ng malaking sahod pero petiks ang trabaho,
  • Sila ung pag walang ginagawa sa opisina hindi magkukusang humingi o mag tanong sayo kung me ipapagawa ka ba sa kanila,
  • Sila ung ng popost at naghihintay ng likes,
  • Sila ung gagawin ang lahat para sa attention, gagawa ng kung ano anong kalokohan, mapa magpatawa, makipag usap sa invisible audience, magpakita ng katawan, pagtawanan ang isang kamaliang nakita online, makakuha lamang ng simpatya,
  • Sila ung mababasa mo ang pagkatao, ugali o nilalaman ng utak pag tingin mo palang ng kanilang mga facebook account,
  • Sila ung pinangangalandakan lahat ng ginagawa nila na akala mo meron silang mga taga sunod, o mga kampon
  • Sila ung gagawin lahat para lang mapansin, makikiuso, makikisawsaw sa bago
  • Mag popost ng problema para makahingi ng simpatya na kadalasan ay gatong ng mga kaibigan
  • Mag se-share ng mga bagay na hindi nila binasa ng maayos
  • Sila ung "Comment ka tuldok" Add kita
  • Sila ung pati chain letter binuhay pa sa facebook at email
  • Sila ung makakita lang ng kalbo sasabihin na nila naka survive sa cancer at paki share and like
  • Sila ung pati panalangin pinopost sa social media\
  • Sila ung di lang mga text ang jowa hiwalay agad, or msyadong apektado sa "SEEN" zone, eh pano kung nakatulugang bukas ang cellphone lang or asa meeting lang, dati snail mail lang tumatagal naman ang relasyon.
  • Nila Like pati post abot sa aksidente or kung me namatayan
  • Post ng bible quotes tapos parinig sa kaaway ung susunod na post
  • Ipopost agad ang meron sila, mapa bagong trabaho o kagamitan
  • Sila ung Basta uso gagawin o ikakalat nila kahit na hindi na nila naiintindihan ang motibo nila sa ginagawa nila in the long run

Marami akong kaibigan millennials, kamag anak, pamangkin, kakilala, malamang sa ma offend ko sila, Malamang sa hindi naman lahat ng tungkol sa knila ay masama, maaring sa paningin ko lang ito ay mali dahil hindi ito ang aking kinalakihan, namimiss kong tumambay sa isang spot na walang hawak na cellphone, makipag laro sa kalsada, kumain ng sabay sabay sa mesa habang nakikipag kwentuhan, manood ng tv, magkwentuhan sa labas ng kung ano anong napanood naming anime at nakakatwang palabas, mangaya ng boses ng mga paborito namin cartoon o artista, mag drawing o maglaro ng mga board games, magkwentuhan ng nakakatakot o mga jokes na nak nak who's there or mga pagalingan ng juan, pedro at jose at sabay sabay tumawa, makipag laro ng sports o magbasa ng libro, o maghabulan at maligo sa ulan. 


Hindi ko alam kung sadyang matanda nako para ibida ang sarili kong panahon o sadyang hindi ko lang sila maintindihan, hindi ko alam kung ganito rin ba ang tingin samin noon ng mas mga nakatatandaan sa amin, Malamang dahil sa mga kakaiba kong opinion ako ay mahusgahan at makutya dahil hindi ako na aangkop sa opinion ng pang kalahatan, pero sana magkaroon ako ng kapangyarihan o kakayahan na mang hikayat o makaimpluwensya ng pagbabago para sa iba, kasi hindi ko alam kung ano mang yayari sa mas susunod pa sa kanilang henerasyon.


Note: artworks are from google


18

The debutants we cover