so i decided to use photography para i present ang mga lumang laro na ito.
masarap lang balik balikan.
why im promoting this? Why not? sa mundo ng gadgets and online games
i think kids nowadays needs to go back to this old school kinda games,
not only they will learn camaraderie, they will learn
to be sporty and move well. aba running and jumping requires alot of skills and effort.
* some description are from wikipedia or something that i get from google.
Na enjoy mo ba ang kabataan mo? ako oo dahil sa mga larong ganito
Larong Bata Series: Tumbang Preso
"Tumbang Preso (pronounced as: tum-bahng preh-so) is a traditional Filipino children's game. The tumbang preso is still played by the more active kids today. Even adults sometimes play it too, bringing back memories of their childhood." - Wikipedia
Larong Bata Series: Luksong Baka
Loosely translated in English, as “Jump over the Cow.”, is a traditional Filipino game that originated from Bulacan, it involves a minimum of 3 players and a maximum of 10 players. It involves the players jumping over the person called the "Baka", and the main goal of the players is to successfully jump over the "Baka" without touching or falling over him/her. - Wikipedia
Larong Bata Series: Luksong Tinik
"Luksong tinik (English: "jumping over thorns") is a popular game in the Philippines. It is originated in Cabanatuan city, Philippines, played by two teams with equal numbers of players. Each team designates a leader, the nanay (mother), while the rest of the players are called anak (children). The players chosen to be nanay are usually the ones who can jump the highest. The game involves players sitting on the ground and other players jumping over parts of their body." - Wikipedia
Larong Bata Series: Ma-taya-taya
("Tag" sa Ingles)
Ito ang alituntunin. Isa ang taya. Hinahabol niya ang lahat ng hindi.Kapag nahawakan ang ibang tao at nasabihan nang "Taya!" siya naman ang taya. Pinakasimple ito sa mga larong kalsada. Sobrang daming takbuhan ang nasa larong ito na imposibleng walang madapa. Kailangang sabihin ang salitang "taya" paghawak sa ibang manlalaro kung hindi, walang bisa. Madalas sa larong ito ay hindi titigil ang mga bata hanggang walang bumabagsak sa sobrang pagod kahahabol.
Mayroon din itong espesyal na alituntunin. Ang isang magandang natutunan kong alituntunin sa mataya-taya ay ang "walang balikan." Ibig sabihin, kung sinuman ang tumaya sa iyo ay hindi mo puwedeng tayain pabalik. Ang puwede lang muling tumaya sa kanya ay ang matataya mo, at lahat ng susunod. Ito ay para makapahinga naman ang katatapos lang na taya. Para tumagal ang laro, tsaka para hindi mangyari iyung "taya, taya, taya, taya, taya, taaaa … yaaaa!" - Larong Kalye ni Relly Carpio
Larong Bata Series: Patintero
"Ang harang-taga o mas kilala sa tawag na patintero ay maaring laruin ng tatlo hanggang limang manlalaro sa bawat koponan. Kailangan munang gumuhit ng dalawa o apat na parisukat dipende sa dami ng manlalaro sa bawat koponan bago mag-umpisa ang laro. Dapat ay pantay ang bilang ng miyembro ng bawat kuponan.
Ang bawat kalahok ng isang kupunan ay tatayo sa likod ng mga linyang ginuhit. Ang taya na nakatayo sa linya sa gitna ay maaring tumawid sa mga iba pang linyang ginuhit kaya't napapadali ang pagkakataon na mahuhuli ang kalahok ng kabilang grupo.
Dapat makatawid at makabalik ang mga kalahok ng kabilang grupo na hindi nahuhuli ng tayang grupo. Kapag mayroong nakatawid at nakabalik sa kupunan na hindi nahuhuli ng mga taya ay madaragdagan ng puntos ang kanyang kupunan. Ang mga tumatakbo naman ang magiging taya kung sakaling mayroon isa sa kanila ang mahuli ng kabilang kupunan.
Ang unang kupunan na makakuha sa pinagusapang dami ng puntos ay siyang magwawagi." - Wikipedia
Larong Bata Series: Tagu-Taguan
"Taguan ay isang popular na larong pambata sa Pilipinas. Hango ito sa ingles na Hide and Seek - isang laro na kung saan ang mga manlalaro ay magtatago at ang taya ang siyang maghahanap." - wikipilipinas
Larong Bata Series: Anino
In reality wala atang tawag sa laro nato, nabuhay ako sa panahong wala pang internet at facebook, hindi kami na iistress sa bagal ng connection, o dahil natalo kami sa LOL, or COC, hindi gaya sa panahon ngayon na pag nag brownout labasan ng cellphone o gadgets agad ang mga kabataan, madalas mag brownout noon sa lugar namin, mga laro sa labas, perya, at ligo ulan na ang pinaka masasayang sandali namin, ito ang libangan namin pag umuwi na ng bahay at brownout parin, walang rules sa laro na to, walang panalo o talo, tuturuan ka nitong mag isip at makagawa ng kung ano anong hayop, imagination mo nalang ang limit, sino bang hindi gumawa ng ibong lumilipad o aso? grin emoticon - Tear