ako ay isang gamer, mahilig ako sa mga computer games way back when i was a kid nasimulan un nung unuwian kami ng tatay ko galing sa ibang bansa
Nintendo na malaki ang bala cartridge na medyo mas malaki sa famicom,
dalawa lang ang bala Super mario at Duck Hunt hehe anyways may mga nalaro naman ako na hindi lang ung dalawang yan pero yan ang pinaka tumatak sa isip ko medyo mahirap kasi paganahin ung ibang bala.
then enter Family Computer
sa pagkakaalam ko Nintendo rin ang may gawa ng Famicom(family computer)
kaya most of the games i mean all the games pala na meron sa Nintendo ay meron din sa Famicom
at mas madali na itong paganahin, pag ayaw gumana pwede tangalin ang cartridge(na mas maliit na ngayon) at hipan at konting punas punas pag may tumalsik kang laway kaka ihip.
anyways games like Battle City, Popeye, B-wings, Rockman, Castlevania, Super mario 1,2,3,4, Ninja Turtles, Baloon Fight, Digdug, Warpman, Tetrits, Load Runner, Bomber man at marami pang iba ang mga games na sumikat.
Snes/Super Nintendo ang sunod na nahawakan ko
we used to rent sa mga rentahan para makapag laro nito bago kami bumili way back then
maraming games ang sikat sa console nato specially Street Fighter and Mortal Kombat at syempre hindi mawawala ang Nintendo mascot na si Super Mario at mga nintendo games series like rockman and castlevania also have titles sa console nato.
Highschool ako nung nahawakan at nalaman ko ang Playstation. Sony Playstation ang mahabang name
Playstation na ata ang pinaka mabentang console noon(ewan ko lang ngayon baka natalo na)
anyways andaming astig na laro sa playstation so many to mention them all ang mga pinaka ay
Final Fantasy 7,8,9,10(kasama ba ung 10 ewan ko na), Metal Gear Solid, Castlevania Symphony of the night, Megaman series, Crash Bandicoot(mascot ng PS), Street fighter VS X-men, Marvel Vs Camcom, Street fighter blah blah lahat na, pati Mortal Kombat andito rin, most of the games became 3D too, like Spyro the dragon, Crash Bandicoot, at wala nakong maisip na example tinamad mag research.
anyways astig ang playstation at nanatili itong pinaka maraming benta(ng game console) pero wala na ata ito ngayon.
marami ng nagsulputang game console hindi ko man lang na try ung iba specially most of the SEGA consoles na naging tagagawa nalang ng game nung tumagal. SEGA is a good console too
sila ata ung nagpasikat ng 16bit
ayoko na i explain dahil tinamad nanaman ako magresearch o well gaya ng sinasabi ko marami ng nagsulputang game console ngayon or nung after ng Playstation, Dreamcast, Gamecube, PS2, XBOX, pati mga handheld consoles nag iba narin natalo na ang dating hari na GAMEBOY(Nintendo) ng PSP(Sony)
PSP na ngayon ang na eenjoy ko pero mananatili akong fan ng mga game console. kabibili ko lang ng atari flashback
na di ko alam kung bakit ko binili pero para sa collection side ng isang gamer isa itong classic collection
o well hindi ganyan ang itsura nang orig na ATARI ganito
ang kauna unahang game console na hindi ko ata makikita sa totoong buhay, although Atari is Oldschool
astig lang kung meron ka nito sa bahay haha, a gamer must have.
eto pala ang isang chart na nakita ko sa net
wag ka masyado ma aning di ko naman pinapa memorize sau yan pinakikita ko lang.
tama nang daldalan LARO NA TAYO!!!