Biyernes, Marso 7, 2014

New Compose Song... "DUDA"






so im listening to a certain beat in my phone, marami ako naiisip o gustong topic sa beat na un like
"Maybe next lifetime", or something about loving someone taken, pero sa ilang pakikinig ng instrumental na un i end up composing "DUDA" syempre again, hindi sya personal experience most of the time i listen to the beat and let the beat tell me a story, kaya mas mahirap mag compose, anways it's almost done, bridge nalang ung kulang... check the lyrics below:

Chorus:
Alam kong may nag iba
Alam kong nag bago ka
Pwede bang magtanong
Pwede bang malaman kung anong totoo

Ako ay nagtataka
Ako ba'y mahal mo pa?
Pwede bang magtanong
Pwede bang malaman kung anong totoo

Iba na ang mga kilos mo
di mo na nasasakyan ang mga biro ko
di nako namimiss
di nako hinahanap
para bang hindi na ako ang
pinapangarap
di na mahagilap ang iyong ngiti
para bang hindi ko kabisa
ang kiliti
ang pagkasabik sa akin
ay wala na
ano bang nagawa ko
bakit ka nagsawa

Repeat Chorus:
Alam kong may nag iba
Alam kong nag bago ka
Pwede bang magtanong
Pwede bang malaman kung anong totoo

Ako ay nagtataka
Ako ba'y mahal mo pa?
Pwede bang magtanong
Pwede bang malaman kung anong totoo

Napapansin kita
Hindi mo ko napapansin
Nakikita kita
Kahit hindi ako nakatingin
Hindi porke di nakikinig
wala akong nadarama
ibang iba ang lakas nitong 
aking kaba
Nakaka taranta
Akin ka pa ba?
Ako'y mahal pa ba?
nakakatakot na
Bakit hindi ko maiwasan 
na mag Duda

repeat chorus:


Bridge: ??? *** wala pa
the song is not 100 percent complete yet, pwede pang mabago yung lyrics or madagdagan
but the concept is there. why did i need to post it? wala lang haha



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento